Pages

Sunday, May 29, 2011

Summer Grades

I never expected my grades to be this good. This is my best grade ever as a college student. This inspires me to study with all my might for the 1st sem of 3rd year. I can do it. Yeah!!!


Inasahan ko na talaga ung uno sa Biostat. haha. YABANG!!
Para sa nutri o_o gulat na gulat ako. Di ko maisip kung pano naging ganyan grade ko. HUWAW talaga!! :))))
Eto lang masasabi ko: SUPER SATISFIED. kung ganito ba lagi, gugustuhin ko ng magaral habang buhay :P haha.

Wednesday, May 11, 2011

Wow!! Nurses COOK!!

Sa Nutrition  Class namin, binigyan kami ng pagkakataon na makapagluto at ito ang mga kinalabasan na pinaghirapan ng buong klase. Sana matakam kayo. 

Group 4:  Kidney Stones
Group 2: Diabetes 
Group 3: Cardivascular  
Group 5: Cancer

And last but not the least, tadadadan-tadan!!


the masterpiece of our group...


Group 1: GI disorder

Talagang pinaghirapan namin yan. Lasang Mcdo daw  :))
Nagkaroon ng tikiman portion at di ako nagpahuli diyan. Lahat natikman ko. Solve na solve ako.
Mmmmmmmm!! Delicioso!!! 

Tuesday, April 26, 2011

sun! sun! sun! why! o! why! bakit ang lufet mo!! :|

From this...


To this....


spot the color difference!! 

Check out the date!! nagsisisi na ako :'( huhuhuhu

BICOL!!

BIOSTAT!!

here at computer lab at Martin De Porres building. I'm currently listening to my prof. :))))

Thursday, April 7, 2011

Payo ni nhesty!!

mga payo ko!!

Wag ka ng pumasok ng school. Hula ko, di rin papasok prof mo! (haha, biglang naging manghuhula) pero kung wala ka talagang pasok, aba! kumilos ka kesa nakaharap ka sa screen ng computer mo :p
Bagsak ka sa subject sa school? ok lang yan. think positive, pede mo nmng isummer o kaya ulitin mo na lang next year. masaya un! may pagasa ka maging highest tapos dagdag friends pa. Dami benifits no?
Bumagsak ka? pili ka dito:(a) wala na! :| sira na record mo, magpabagsak ka na lang tapos darating ang panahon na normal na lang ang pagbagsak at masasanay din ang magulang mo kaya dedma na lang sila(b)yoko ng madepress, ang hirap magcope!! kaya sinusumpa ko, di na ulit ako babagsak :D keep on fighting!
Kung tingin mong wala ng pagasa, nagkakamali ka! If there is a will there's a way :D Kaya ako di ako nawawalan ng pagasa sau na isang araw, maiisip mong ang galing ni nhesty, one of a kind!! hahaha
Tumayo ka nga dyan! Wag batugan, tumulong sa sa gawain sa bahay ninyo! Para naman may silbi ka. (wahaha, lakas makautos!) Malay mo, mapansin ka, bigyan ka pa ng reward o kaya biglang silang maging mabait sayo ng super. :)
weh?! di nga?! tlga lang?! malaki problema mo? pakamatay ka na lang! try mo, it feels like heaven. wahaha. joke lng pala. mas masaya pa rin ang feeling pag nalagpasan mo ang problema mo! kaya go lang ng go, harapin ang problema ng taas noo. :D
Madaldal na magulang? sus, isa lang ang solusyon dyan. pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Sanayan lang yan, paulit ulit lang nmn sinasabi e. Diba nila naririnig sarili nila? nakakarindi na kaya. Tama ba? Pero sa totoo lang, ienjoy mo ang moments na un kc wala ng ibang gagawa nun sa inyo kundi sila lang. Mahal nila kau. :)
Isa ka ba sa mga palaging late sa klase? Umayos ka! Sayang ang binabayad ng magulang mo sa mga prof mo. Isipin mo sa mga oras na wala ka sa klase, parang pinamimigay mo lang ang pera na pinaghirapan ng magulang mo. Sayang diba?Maraming batang di nakakapasok sa school kaya swerte ka!
Bata ka pa! wag mo munang isipin ang love. Darating yan sa tamang panahon! Ang isipin mo muna ang makatapos. After nun, matutupad pangarap mo tapos hanapin mo na ang true love mo <3 pero kung meron kang love life. ok lng yan, basta may good effect. :D
Ano kaya tingin nila sa ken? yan ba lagi mong iniisip? Aba! tigilan mo na ang pagiisip dyan. walang mangyayari. A person will never grow if you always think what others think you are. Believe in yourself! You know yourself than everybody else.
Maging walang hiya paminsan minsan! Magperform ka sa mga school activities baka madiscover ang talent mo. :) ang tanong may talent k b? haha
wag kang magagalit kahit kanino. Alam mo kc pag nagalit ka, ikaw ung makakafeel ng stress at problema samantalang nagsasaya ang taong kagalit mo. Ikaw ang nagsusuffer hindi siya. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo!
Wag mainggit sa mga haf day lang ang klase. mas masaya kaya pag hul day  kasi mas maraming oppurtunities to learn. Ang problema lang, pumapasok ka nga, lumilipad nmn isip mo. Nagsasayang ka lang ng oras, umuwi k na lang.
Lagi kang late sa mga meeting tapos nung umatend ka sa tamang oras, magagalit ka kasi may late kang kagrup? e sira ka pala e! wala kng karapatan magalit! kung ayaw mong gawin sau, wag mong gagawin sa iba(golden rule).
Ayaw sau ng tao, wag mong ipagpilitan sarili mo, nagmumukha ka lang tanga. Kawalan nila un! Strive to be better para magsisi sila!!
may manliligaw ka? tamang tama! marami kang dala pag pumapasok? ipadala mo sa kanya.haha. joke. ang dapat magisip isip ka na, baka naman paasa ka lang.
Gutom ka na ba? edi kumain ka! kung natatakot kang tumaba, wag mong isipin yan, may mga lalaking mahilig sa malambot at fluffy. nyahaha. :))) Maikli lang ang buhay, kainin mo ang lahat ng gusto mo at syempre in moderation lang.
Gusto mong pumayat, edi tigilan mo ang paupo upo lng, magbanat ka ng buto. At isipin mo na magpapapayat ka para sa sarili mo para maging masaya at healthy ka, hindi para sa lalaki lang.
Wala ng tanong tanong, maganda ka! Sumali ka sa mga pageant, sayang naman ang ganda. Tandaan mo, it's a gift kaya wag kang mahihiya. At maraming mawawala kung lagi mong paiiralin ang pagkamahiyain mo. :) Try mo nmn maging walang hiya. haha
Magdota ka ngayon! Nakakastimulate un ng mind! mahahasa strategic skills mo. sasaya ka pa kasi mapapatay mo mga weak. kso kung ikaw mismo weak, isipin mo na lang, at least napapasaya mo mga nakakapatay sa sau. :))
Nangliligaw ka ba o may balak ka? Magisip isip ka muna, baka lolokohin at papaiyakin mo lang siya tapos baka maghiwalay din kau. Sayang ung mga ginastos mo sa kanya, baka magsisi ka. haha. Lesson: Think! think! think! bago ang lahat, maraming nakasalalay sa bawat desisyon mo! :)
Hoy pogi! pede kang pangmodel, try mo baka maging successful ka dun. nyahaha. kung di ka nmn naniniwala na pogi ka, magaral ka na lang magiging successful ka din dun basta pagbubutihan mo.




yan ang nagawa ko ngaung araw. As requested by my former seatmate, Klenk! :D
Gumawa lang naman ako ng application sa facebook. Dami natuwa kaya masaya ako ngaung araw.

I'm also officially enrolled to summer classes. :D Better than staying at home doing nothing!! 

Wednesday, April 6, 2011

Kahit sa bahay lang, masaya basta kasama mga pinsan

Kahap0n, super saya nanaman kc nasa bahay mga pinsan ko. Pag kasama ko sila, di ako naboboring. Ang dami naming kwento sa isa't isa, di nauub0s. Di rin nauubos mga kalokohan namin. Nanuod kmi ng tagalog movie na comedy. Tawa kami ng tawa! Saya! Tapos 6pm n, wala pa ring naliligo. Bawal maligo pag tuesday! Nyahahahahaha! Para din kaming mga patabaing baboy, kain lang ng kaing. Nagrereklamo na sa men mga tita namin kc ang lakas daw naming kumain pero sila mismo ang hain ng hain samen ng pagkain. Hahaha. Syempre sayang naman kung di kami kakain. Tpos parepareho kami ng LSS! Tuma-tambay at nagkakaigihan! Hahaha, kanta ng sp0ngecola na TAMBAY!narinig lng namin sa tv at aun na ang simula ng lahat. Iba iba kme ng linya na kinakanta hangang sa malaman namin na iisang kanta lng pala ung mga pinagkakanta namin. Nagtanungan pa kami kung anu title nun. Nyahahaha. I so love this day!

Tuesday, April 5, 2011

LBC!!!

dumating  ung box n padala ni mama ngaun. RAYOT dito sa bahay. nyahahaha. nandito mga pinsan ko. :D sarap ng chocolate!! MMMmmmmm!!! lima ung box, dami no? kso kulang ng isang box. haha. pero ok lng, masaya p rin. :))))

Tuesday, March 1, 2011

DEPRESSED :(

last week puro kaswertehan naramdaman ko, pero ang week na to ay parusa!!!

Wednesday, February 16, 2011

PRELIMS results released!!

Physics lec :'(
Ang exam na ito ay isang malaking sumpa. BAGSAK ako.
Sobra sobra ang lungkot ko :( Pero naisip ko, anung mangyayari kung malulungkot ako. Ang naisip ko, mas gagalingan ko pa. Gagawin ko ang lahat para makabangon ulit ako. May finals pa, may pag-asa pa. Naniniwala ko sa sarili ko. Babawasan ko na ang kakainternet para magkaroon ako ng mas maraming oras sa pag-aaral
Physics lab  :) ok naman. sakto lang
Pharma :| pwede na. Kahit super sabaw to, at least medyo mataas nakuha ko.
Logic- Nako, wala na talagang pagasa. dalawang araw ng di pumapasok si Sir
NI- kahit out of this world ang mga question. :) ok s ken score ko kasi mataas para sa di nagaral. hahaha
English :( as usual mababa ako. tingin ko wala na talaga akong pagasa sa english, forever na akong mababa. Since preschool, eto na pinakamababa ko pero hanggang ngayon di ko pa rin matanggap.

OB AT PEDIA- wala pang results. wait for further blogs :p

Spread the LOVE this Valentines day!!

Naging masaya ako ngayong valentines. Maraming salamat sa lahat ng bumati at nakaalala sa ken.

Maraming salamat sa mga sumusunod:

Inah-para sa GUMMI PIZZA
Faye-para sa KITKAT
Abby-para sa TOBLERONE
Ate Eli-para sa CRINKLES
at higit sa lahat sa mga roommates ko :D-para sa cake na pinagawa natin na may nakalagay na "happy valentines babe, I love you" na tayo din ang kumain. hahahaha.

kahit simple lang, naging masaya ako dahil naalala niyo ako. mahal na mahal ko kayo.
Ang valentines ay para din sa magkakaibigan. FRIENDS FOREVER :))

Nagkaroon din ng mga activities sa College namin. Kahit kakatapos lang ng prelims nmin, nagawa pa rin ng nursing na maghanda para sa araw na iyon. Dahil dito bilib na bilib ako sa mga nursing student. :D

Nakakainspire ang mga sinabi ni Francis Kong (speaker ng valentines talk) Tinuro niya ang mga salitang ito: GIVE.LOVE. LIVE. Natutunan ko din na kelangan natin abutin lahat ng gusto at pangarap natin sa buhay at pagkatapos hanapin natin ang "meaning" ng buhay natin. Kaya ako, pagnakatapos ako, magtatrabaho ako ng mabuti. Tapos, tutulungan ko ang mga bata na hindi nakakapagaral. :D Pagkatapos ng talk, merong Nursing idol kung san kasali si Julius(kaklase ko nung 1st year) at Bea(kaklase ko ngayon) Natuwa naman ako dahil nanalo si Julius ng 1st runner up. Kahit hindi champion ok lng kasi kahit anong mangyari magaling pa rin siya.


Natapos ang valentines day na may nangyaring maganda!!

Tuesday, February 8, 2011

super nakakasabaw na PEDIA!!!!!!!!!!!

sabi ko bago ako matulog gigising ako ng 5am para magaral sa Logic kasi wala pa talaga akong inaral. ang alam ko pa lang ung tinuro ni micko. ang nangyari 6am na ako nagising. habang naglalakad ako sa dapitan nagkakabisado ako ng rules. hahaha. bara barang pagrereview. Nakakalito ng super ung fallacy of relevance. Parang ewan lang e, kc naman puro none of the above sagot ko. Nagtataka nga ako pero feeling ko talaga un ang tamang sagot. hahaha. bahala na. 

Tapos mga 2.5 hours ung break bago mag Pedia. Nagaral ako sa library kasama mga kaklase ko. Grabe, ang dami nilang alam na di ko alam. hahaha. katamad kasi magbasa ng book, e dun kukunin mga question kasi application. Nung dumating na ang oras, di ko kinaya ang exam. Sabaw kung sabaw ung exam. Alam mo un, sa sobrang di mo alam, nakatitig ka na lang sa papel mo. Nung natapos ako, chineck ko pero wala din akong pinalitan kasi naman wala talaga akong alam. Kung ganito palagi, ano na mangyayari sa ken nito. :( 

Eto lang ang masasabi ko DI KAYA NG POWERS KO ANG PEDIA!!!!!! :(

Saturday, January 29, 2011

Quadricentennial celebration of my beloved school, UST!!

UST celebrated its 400 years of existence and i'm part of the history!! :D


Inaasahan ko na walang pasok ang quadri week kaso hinde. Napakarami naming dapat gawin. Nung una di namin mafeel ang quadri week kasi wala namang nangyayari at busy rin kami sa mga school wooks :(

Nagexpect ako na walang gagawin sa klase. Iniisip ko walanh quiz. Pumasok ako ng monday sa Physics class ng walang inaral, wala din akong calculator. Nagdiscuss kami ng gas law at kung anu ano pang computation. Akala ko maaga kaming palalabasin dahil benavides lecture. After magdiscuss, biglang sinabi may quiz, parang GUMUHO mundo ko. Masamang simula para sa quadri week. Hirap ng hirap ako magdivide at multiply kasi may mga avogadro's tapos di nga ako nagaral kaya di ko kabisado mga constant. Nanghuhula na lang ako ng mga value ng constant. HAHA. Anu kayang score ko dun?!? Next class ay NI, as usual, boring discussion pa rin, halos malapit na akong makatulog pero at least maaga niya kaming dinismiss. :)
Tapos afternoon class naman na nakakaantok. Discussion lang tapos ung last naming subject na Logic, walang prof. Actually, nakasalubong namin si sir tadle, aakyat sana siya ng room kaso ang sabi namin naguwian na ang mga kaklase nmin. HAHA. buti na lang at hindi siya nagalit :D After class, pumunta ako ng fair kasama si Darwin, pag andun ka kahit papano mafefeel mo ang quadri week.. Maraming memorabilias at pagkain. Sandali lang kami tapos umuwi na rin kami. :) Paguwi ko sa dorm, as usual, walang tao sa room. Sana araw araw may magyaya magmerienda kasi nakakahome sick pag magisa sa room. Tapos nung gabi, nagpuyat ako para sa case pres at para sa quiz sa NI.

Next day...

Wala kaming class sa physics pero pumasok pa rin kami ng 7am kasi magshoshoot kami para sa video project sa physics. Sa dorm nila Shar at Darwin kami nagshoot.  As usual, wala kaming magawa, ang tamad  talagan ng RLE 1. HAHAHA, Tapos, umuwi ako ng dorm para magpalit. Pumasok na ako para sumunod sa mga kaklase ko sa fair. Nung 10am na, nagpunta na kami sa building tapos nalaman kong wala pala kaming NI. Sayang ng inaral ko!!, badtrip!! Umuwi ulit ako ng dorm para matulog.zzZZ. Tapos discussion sa afternoon class at natuwa naman ako sa Logic kasi kahit papano may natutunan ako. hahaha. Nagdiscuss ng maayos si Sir. :D Tapos umuwi na ako. Gusto ko pumuntang fair kaso wala akong kasama. Natulog na lang ako kasi wala nanamang tao sa room :( Paggising ko ng 6:30pm, tumawag si Micko tapos pumunta na ako sa UST. Nanuod kami ng Awarding ng Q film. Wala man lang napanalunan ang nursing. Tapos halos hinakot ng CFAD at Archi ang mga award. At sa hulo, CFAD ang nagwagi. Napakaimba naman kasi talaga ng short film nila. Astig ni Marti Sylvia, director ng "Anne".






Nung gabi nagaral nanaman ako dahil may quiz kami kinabukasa sa Pedia tapos make-up class.

Next day...

Nanuod ako ng Cheermania nung umaga tapos sumama ako sa RLE 5(deevon, larrence, chen, fitz, riza, che, macavinta, kyra, patrice) habang nagshoshoot sila ng video. Tapos umuwi na ako para magaral sa quiz sa pedia. Biglang may nagtext at ang sabi cancelled lahat ng afternoon classes. sayang ang pagaaral ko. Nung hapon, nasa dorm lang ako at nagwiwish na may magtext para yayain ako para makalabas ako sa dorm, kahit kain lang. Nakakaboring kasi sa dorm(haha, paulit ulit). Ayun, nagtext si Micko, pumunta ako sa school, pumunta kami sa ospital para puntahan si Gem. Nakuha na ni Gem ung result ng ECG niya. Tapos, umalis din siya kagad. Nagpunta kami ni Micko sa fair, nagpanutrition counseling kami. Sakto lang naman ako pero mas maganda kung magloloose ako ng 2.5 kg. Parang ang hirap kasi ang sabi bawasan ko daw ang pagkain ng kanin. :( Tapos umuwi na rin ako, niyaya naman ako ng pinsan kong si MJ na pumunta sa fair. Ayun, nagpunta nanaman para kumain. Nung gabi, aral nanaman para sa quiz sa pedia sa umaga. Kumain nanaman ako ng rice(take note rice din ang merienda ko). Pano naman kaya ako magbabawas ng timbang kung napakasarap kumain. yum-yum :D

Next day..

Nagquiz kami, ok naman ang score ko. Sakto lang. Maaga kaming pinalabas. Kaya ayun, picture picture muna kasama sila inah, faye, tricia, ate eli at louise. Iniwan ko na sila at umuwi ako para matulog sandali, tapos duty sa hapon. Nakakalungkot isipin na regular duty pa rin. Pinalabas naman kami ng maaga kasi mamaya na yung unveiling at concert. Nalaman din namin na kelangan naka semi formal sa mass bukas. Kelangan daw namin kasi may attendance kami for duty kinabukasan at kelangang makita kaming nakasemi formal. Edi umuwi na ako sa dorm. Nung 6:30 na bumalik na ako sa school para sa unveiling. Buti nakita ko si Gem, ang hirap kasi ng signal. Nandun ung apat ng model sa quattromondial, sila Piolo, Charlene, Fr. Rector at ang anak ng sculptor. Maraming ginawang seremonyas pero di ko naman naririnig dahil ang hina ng sound. Naiinis si Gem kasi ang dami daw palpak sa quadri celebration at bakit daw si Piolo at Charlene. Anu bang nagawa nila? Yan ang tanong ni Gem. Tapos nagpunta na kami sa spot ng wanpor. Lumipat kami ng place malapit kay benavides para makalapit sa screen. Nakasama ko nung concert sila Gem, Christine,Camille, Ritz, Gwen, Meg, Micko, Cara at Gab. napakaastig talaga ng fireworks :D





Next day...
Walang klase ng umaga kaso 7:30am, may shooting kami para sa physics project tsaka preparation for case pres. Nagpunta kami sa bahay ni Tricia para gawin ang lahat ng ito. Napagod ako ng sobra kasi naman ako pa ang ginawang bida. Ung ginawa namin kunwari 6th birthday ko tapos sa birthday party inapply mga principle ng physics. Tapos, inaayos din namin mga kelangang gawin para sa case pres. Kinonnect namin ung mga pathophy na ginawa namin. Success ang meeting dahil marami kaming nagawa. :) Edi bumalik na kami sa UST para sa attendance sa duty. 3pm ang usapan. Nagkagulo gulo kami kasi malalate na kaming lahat tapos ung iba kelangan pang umuwi para magpalit ng semi formal. pagdating namin sa espana, nagmamadali na akong bumalik ng dorm. Nagpalit ako ng damit, grabe ang bilis ko tapos balik agad ako sa building. Pagdating namin dun, naghintay kami sa prof na di naman dumating. Nasayang pagmamadali namin, sa mass na lang daw ichecheck ung attendance ng 4:30pm. Pumunta na kami sa grandstand, tapos nagmass kami. Matagal bago nagsimula ang mass. Ang problema pa, ang hina ng sound kaya di namin marinig.May nagpuntang Papal Legate at may personal na video message din ang Pope. Napakablessed talaga ng UST. Kasama ko nung mass ang 2-2, Nagpicture picture din kami. Ang saya din nung tinaas namin mga kandila namin kasi feel na feel ko ang thomasian spirit. :D Pagkatapos ng mass, umuwi na rin ako. Di na ako kumuha ng pagkain, ayoko ng makigulo. Pagkauwi ko, gawa kagad ako ng NCP for case pres tapos nalaman kong walang pasok kinabukasan. Edi natulog na lang ako kasi ang sakit ng katawan ko. Di ko na napanood ang fireworks kasi pagod na talaga ako. Nung pinanood ko sa net, mas maganda ung fireworks na to.

Today..

Eto walang pasok, walang magawa, Dapat umuwi ako sa men kaso madami akong dapat ayusin.
Nakakapagod ang Q celebration kasi ang daming kasabay ng quiz, project, case pres, at klase. Tingin ko nafeel ko ang Quadri week at feel na feel ko ang pagiging thomasian ko :D

I"M PROUD TO BE THOMASIAN. HAPPY 400 YEARS UST.

Sunday, January 23, 2011

mga roommate kong baliw!! :))

Lately, lagi n lng nila akong inaasar. haha. wala na silang magawa sa buhay nila kaya ako ang iniintriga nila. Lagi na lang sila nagpopost sa fb na may love life daw ako. kung san san nila ako tinatag. mga walang hiya ung mga un, lagot ako pag nabasa un ni mama. hahaha. kaya, remove tag n lng. :)) Porket masaya sila sa love life nila, kaya ako ang pinagtutulungan nila. masaya na ako sa buhay ko. as in super happy. :D Syempre ang lider ng nangaasar sa ken ay si Ate Karla( laging nasa visiting area ng dorm boylet nya tapos sasabihin niyang friend lng. hahahaha). Tapos si Ate Zen(porket masaya ang lovelife niya dahil may nangliligaw sa kanya ngayon :D), pinicturan ako sa SM na kasama ko si Darwin sa elevator, e sinamahan ko lng namang bumili ng gift ung kaklase ko para sa kaRLE naming si Faye. hahaha. Assuming talaga tong mga roommate ko. Tapos si MJ(pinsan kong baliw, hahaha), di ko alam na nasa likod ko siya habang naglalakad ako sa dapitan. E may kasabay ako nun. pinicturan niya rin ako. hahaha. mga stalker tong mga roommate ko. Tapos si Jen(taga UP kong roommate), di nagsasalita pero kung alam ko lang.hmmmmm. :))) haha. ang active ng mga lovelife nila pero ako kahit wala, super saya ko sa buhay ko. At least wala akong problema. e sila, umuuwi ng lasing at umiiyak dahil di daw sila mahal ng mahal nila. natatawa na lang ako pag kung ano ano ang sinasabi nila pag lasing sila. hahaha. kahit baliw sila paminsan, mahal ko pa rin sila. :))

sana ang pagaaral ay kasing saya ng paglalaro.

sana parang laro na lang ang school, ung masaya, nakakaenjoy, exciting at di nakakaantok. Malamang kung ganyan, magsisipag na ako. Di ko naman kasi alam kung san ako kukuha ng motivation kung ang pagaaral ay nakakapagod at di masaya. Sobrang nakakastress. Buti pa pag naglalaro ako ng kahit ano, kahit simpleng minesweeper lang, natutuwa na ako. Pinasok ko ang pagaaral, dapat ko tong tapusin para isang araw, makuha ko at magawa ko lahat ng gusto ko. Sa ngayon kelangan ko ng focus lalo na ngayong prelims. delikado talaga akong matanggal sa pagiging DL. Masaya sana pumasok kung alam mong walang gagawin paguwi. Masaya din pumasok kung astig ang mga prof kaso hindi e, masyadong therapeutic ang mga boses nila kaya inaantok lang ako. Sana dumating ang araw na ang pagaaral ay kasing saya ng paglalaro. :))

Saturday, January 22, 2011

ang hirap maging estudyante

Kanina sinimulan kong gawin ang pathophysiology para sa case presentation dahil wala na talaga akong magawa. kahit ayokong gawin, napilitan ako. Ngayon kahit papano may natapos na ako. Akala ko sa isang araw pa ang deadline ng pasahan sa kagroup kong si Tricia(masipag kong kaklase, inaako niya palagi mga gawain kahit di niya responsibilidad, nahihiya na nga ako paminsan e. :p) Nagkamali ako kaya kelangan ko siyang tapusin ngayon dahil ngayon pala ang deadline. Magpupuyat ako para tapusin to. Wala kasing motivation kaya wala akong will na tapusin. :( Tapos ang laki pa ng problema ko kasi naiwan ko ung libro na gagamitin ko sa dorm. Hay buhay, ang hirap maging estudyante!!!!

Friday, January 21, 2011

starting today!!! :D

Today is friday, a very nice day with no classes. I'm alone in the house but I'm still happy. When I'm home, everything seems to be in right. :)) STARTING TODAY, I will try to post blogs everyday. Actually I want to have a diary so that one day I will read it again. I love reminiscing special moments that makes me smile. Unfortunately, I end up making a blog since I am not fond of writing because my penmanship is so ugly. I hate it when men write better than me. This made me decide to make a blog where I can write my everyday life and experiences. :))