Pages

Sunday, January 23, 2011

mga roommate kong baliw!! :))

Lately, lagi n lng nila akong inaasar. haha. wala na silang magawa sa buhay nila kaya ako ang iniintriga nila. Lagi na lang sila nagpopost sa fb na may love life daw ako. kung san san nila ako tinatag. mga walang hiya ung mga un, lagot ako pag nabasa un ni mama. hahaha. kaya, remove tag n lng. :)) Porket masaya sila sa love life nila, kaya ako ang pinagtutulungan nila. masaya na ako sa buhay ko. as in super happy. :D Syempre ang lider ng nangaasar sa ken ay si Ate Karla( laging nasa visiting area ng dorm boylet nya tapos sasabihin niyang friend lng. hahahaha). Tapos si Ate Zen(porket masaya ang lovelife niya dahil may nangliligaw sa kanya ngayon :D), pinicturan ako sa SM na kasama ko si Darwin sa elevator, e sinamahan ko lng namang bumili ng gift ung kaklase ko para sa kaRLE naming si Faye. hahaha. Assuming talaga tong mga roommate ko. Tapos si MJ(pinsan kong baliw, hahaha), di ko alam na nasa likod ko siya habang naglalakad ako sa dapitan. E may kasabay ako nun. pinicturan niya rin ako. hahaha. mga stalker tong mga roommate ko. Tapos si Jen(taga UP kong roommate), di nagsasalita pero kung alam ko lang.hmmmmm. :))) haha. ang active ng mga lovelife nila pero ako kahit wala, super saya ko sa buhay ko. At least wala akong problema. e sila, umuuwi ng lasing at umiiyak dahil di daw sila mahal ng mahal nila. natatawa na lang ako pag kung ano ano ang sinasabi nila pag lasing sila. hahaha. kahit baliw sila paminsan, mahal ko pa rin sila. :))

No comments:

Post a Comment