Wag ka ng pumasok ng school. Hula ko, di rin papasok prof mo! (haha, biglang naging manghuhula) pero kung wala ka talagang pasok, aba! kumilos ka kesa nakaharap ka sa screen ng computer mo :p
Bagsak ka sa subject sa school? ok lang yan. think positive, pede mo nmng isummer o kaya ulitin mo na lang next year. masaya un! may pagasa ka maging highest tapos dagdag friends pa. Dami benifits no?
Bumagsak ka? pili ka dito:(a) wala na! :| sira na record mo, magpabagsak ka na lang tapos darating ang panahon na normal na lang ang pagbagsak at masasanay din ang magulang mo kaya dedma na lang sila(b)yoko ng madepress, ang hirap magcope!! kaya sinusumpa ko, di na ulit ako babagsak :D keep on fighting!
Kung tingin mong wala ng pagasa, nagkakamali ka! If there is a will there's a way :D Kaya ako di ako nawawalan ng pagasa sau na isang araw, maiisip mong ang galing ni nhesty, one of a kind!! hahaha
Tumayo ka nga dyan! Wag batugan, tumulong sa sa gawain sa bahay ninyo! Para naman may silbi ka. (wahaha, lakas makautos!) Malay mo, mapansin ka, bigyan ka pa ng reward o kaya biglang silang maging mabait sayo ng super. :)
weh?! di nga?! tlga lang?! malaki problema mo? pakamatay ka na lang! try mo, it feels like heaven. wahaha. joke lng pala. mas masaya pa rin ang feeling pag nalagpasan mo ang problema mo! kaya go lang ng go, harapin ang problema ng taas noo. :D
Madaldal na magulang? sus, isa lang ang solusyon dyan. pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Sanayan lang yan, paulit ulit lang nmn sinasabi e. Diba nila naririnig sarili nila? nakakarindi na kaya. Tama ba? Pero sa totoo lang, ienjoy mo ang moments na un kc wala ng ibang gagawa nun sa inyo kundi sila lang. Mahal nila kau. :)
Isa ka ba sa mga palaging late sa klase? Umayos ka! Sayang ang binabayad ng magulang mo sa mga prof mo. Isipin mo sa mga oras na wala ka sa klase, parang pinamimigay mo lang ang pera na pinaghirapan ng magulang mo. Sayang diba?Maraming batang di nakakapasok sa school kaya swerte ka!
Bata ka pa! wag mo munang isipin ang love. Darating yan sa tamang panahon! Ang isipin mo muna ang makatapos. After nun, matutupad pangarap mo tapos hanapin mo na ang true love mo <3 pero kung meron kang love life. ok lng yan, basta may good effect. :D
Ano kaya tingin nila sa ken? yan ba lagi mong iniisip? Aba! tigilan mo na ang pagiisip dyan. walang mangyayari. A person will never grow if you always think what others think you are. Believe in yourself! You know yourself than everybody else.
Maging walang hiya paminsan minsan! Magperform ka sa mga school activities baka madiscover ang talent mo. :) ang tanong may talent k b? haha
wag kang magagalit kahit kanino. Alam mo kc pag nagalit ka, ikaw ung makakafeel ng stress at problema samantalang nagsasaya ang taong kagalit mo. Ikaw ang nagsusuffer hindi siya. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo!
Wag mainggit sa mga haf day lang ang klase. mas masaya kaya pag hul day kasi mas maraming oppurtunities to learn. Ang problema lang, pumapasok ka nga, lumilipad nmn isip mo. Nagsasayang ka lang ng oras, umuwi k na lang.
Lagi kang late sa mga meeting tapos nung umatend ka sa tamang oras, magagalit ka kasi may late kang kagrup? e sira ka pala e! wala kng karapatan magalit! kung ayaw mong gawin sau, wag mong gagawin sa iba(golden rule).
Ayaw sau ng tao, wag mong ipagpilitan sarili mo, nagmumukha ka lang tanga. Kawalan nila un! Strive to be better para magsisi sila!!
may manliligaw ka? tamang tama! marami kang dala pag pumapasok? ipadala mo sa kanya.haha. joke. ang dapat magisip isip ka na, baka naman paasa ka lang.
Gutom ka na ba? edi kumain ka! kung natatakot kang tumaba, wag mong isipin yan, may mga lalaking mahilig sa malambot at fluffy. nyahaha. :))) Maikli lang ang buhay, kainin mo ang lahat ng gusto mo at syempre in moderation lang.
Gusto mong pumayat, edi tigilan mo ang paupo upo lng, magbanat ka ng buto. At isipin mo na magpapapayat ka para sa sarili mo para maging masaya at healthy ka, hindi para sa lalaki lang.
Wala ng tanong tanong, maganda ka! Sumali ka sa mga pageant, sayang naman ang ganda. Tandaan mo, it's a gift kaya wag kang mahihiya. At maraming mawawala kung lagi mong paiiralin ang pagkamahiyain mo. :) Try mo nmn maging walang hiya. haha
Magdota ka ngayon! Nakakastimulate un ng mind! mahahasa strategic skills mo. sasaya ka pa kasi mapapatay mo mga weak. kso kung ikaw mismo weak, isipin mo na lang, at least napapasaya mo mga nakakapatay sa sau. :))
Nangliligaw ka ba o may balak ka? Magisip isip ka muna, baka lolokohin at papaiyakin mo lang siya tapos baka maghiwalay din kau. Sayang ung mga ginastos mo sa kanya, baka magsisi ka. haha. Lesson: Think! think! think! bago ang lahat, maraming nakasalalay sa bawat desisyon mo! :)
Hoy pogi! pede kang pangmodel, try mo baka maging successful ka dun. nyahaha. kung di ka nmn naniniwala na pogi ka, magaral ka na lang magiging successful ka din dun basta pagbubutihan mo.
yan ang nagawa ko ngaung araw. As requested by my former seatmate, Klenk! :D
Gumawa lang naman ako ng application sa facebook. Dami natuwa kaya masaya ako ngaung araw.
I'm also officially enrolled to summer classes. :D Better than staying at home doing nothing!!
No comments:
Post a Comment