Pages

Friday, April 6, 2012

Prusisyon!

Good Friday ngayon! Nagpunta sa bahay namin mga pinsan at tita ko. Ang saya lang kasi ngayon ko na lang sila nakita. Ang kulit lang namin at sobrang gulo. Nagprusisyon kami ng 6pm- 8pm. Nakakapagod pero nagkukulitan kami habang naglalakad. Yung mga pinsan kong bata bumubuo ng mga bola gamit yung kandila.

Bolang gawa sa kandila. 
Picture, picture habang nakatigil ang prusisyon
Nagawa din naming magpicture picture pero wala ako dahil ako yung kumuha nyan. Pagkatapos, nakipag-agawan pa kami para makakuha lang ng bulaklak galing sa mga karo. Grabe naipit ako don pero at least may nakuha kami. :D Pagkauwi namin sa bahay, may nakahanda ng pagkain. Tamang tama dahil gutom na gutom na kami. At ngayon, magoovernight iba kong pinsan dito sa bahay. Sa death anniversary ni Papalolo, mas madami kami at mas masaya yun. :) As of now, swimming ang plano. 

No comments:

Post a Comment