
Inaasahan ko na walang pasok ang quadri week kaso hinde. Napakarami naming dapat gawin. Nung una di namin mafeel ang quadri week kasi wala namang nangyayari at busy rin kami sa mga school wooks :(
Nagexpect ako na walang gagawin sa klase. Iniisip ko walanh quiz. Pumasok ako ng monday sa Physics class ng walang inaral, wala din akong calculator. Nagdiscuss kami ng gas law at kung anu ano pang computation. Akala ko maaga kaming palalabasin dahil benavides lecture. After magdiscuss, biglang sinabi may quiz, parang GUMUHO mundo ko. Masamang simula para sa quadri week. Hirap ng hirap ako magdivide at multiply kasi may mga avogadro's tapos di nga ako nagaral kaya di ko kabisado mga constant. Nanghuhula na lang ako ng mga value ng constant. HAHA. Anu kayang score ko dun?!? Next class ay NI, as usual, boring discussion pa rin, halos malapit na akong makatulog pero at least maaga niya kaming dinismiss. :)
Tapos afternoon class naman na nakakaantok. Discussion lang tapos ung last naming subject na Logic, walang prof. Actually, nakasalubong namin si sir tadle, aakyat sana siya ng room kaso ang sabi namin naguwian na ang mga kaklase nmin. HAHA. buti na lang at hindi siya nagalit :D After class, pumunta ako ng fair kasama si Darwin, pag andun ka kahit papano mafefeel mo ang quadri week.. Maraming memorabilias at pagkain. Sandali lang kami tapos umuwi na rin kami. :) Paguwi ko sa dorm, as usual, walang tao sa room. Sana araw araw may magyaya magmerienda kasi nakakahome sick pag magisa sa room. Tapos nung gabi, nagpuyat ako para sa case pres at para sa quiz sa NI.
Next day...
Wala kaming class sa physics pero pumasok pa rin kami ng 7am kasi magshoshoot kami para sa video project sa physics. Sa dorm nila Shar at Darwin kami nagshoot. As usual, wala kaming magawa, ang tamad talagan ng RLE 1. HAHAHA, Tapos, umuwi ako ng dorm para magpalit. Pumasok na ako para sumunod sa mga kaklase ko sa fair. Nung 10am na, nagpunta na kami sa building tapos nalaman kong wala pala kaming NI. Sayang ng inaral ko!!, badtrip!! Umuwi ulit ako ng dorm para matulog.zzZZ. Tapos discussion sa afternoon class at natuwa naman ako sa Logic kasi kahit papano may natutunan ako. hahaha. Nagdiscuss ng maayos si Sir. :D Tapos umuwi na ako. Gusto ko pumuntang fair kaso wala akong kasama. Natulog na lang ako kasi wala nanamang tao sa room :( Paggising ko ng 6:30pm, tumawag si Micko tapos pumunta na ako sa UST. Nanuod kami ng Awarding ng Q film. Wala man lang napanalunan ang nursing. Tapos halos hinakot ng CFAD at Archi ang mga award. At sa hulo, CFAD ang nagwagi. Napakaimba naman kasi talaga ng short film nila. Astig ni Marti Sylvia, director ng "Anne".


Nung gabi nagaral nanaman ako dahil may quiz kami kinabukasa sa Pedia tapos make-up class.
Next day...
Nanuod ako ng Cheermania nung umaga tapos sumama ako sa RLE 5(deevon, larrence, chen, fitz, riza, che, macavinta, kyra, patrice) habang nagshoshoot sila ng video. Tapos umuwi na ako para magaral sa quiz sa pedia. Biglang may nagtext at ang sabi cancelled lahat ng afternoon classes. sayang ang pagaaral ko. Nung hapon, nasa dorm lang ako at nagwiwish na may magtext para yayain ako para makalabas ako sa dorm, kahit kain lang. Nakakaboring kasi sa dorm(haha, paulit ulit). Ayun, nagtext si Micko, pumunta ako sa school, pumunta kami sa ospital para puntahan si Gem. Nakuha na ni Gem ung result ng ECG niya. Tapos, umalis din siya kagad. Nagpunta kami ni Micko sa fair, nagpanutrition counseling kami. Sakto lang naman ako pero mas maganda kung magloloose ako ng 2.5 kg. Parang ang hirap kasi ang sabi bawasan ko daw ang pagkain ng kanin. :( Tapos umuwi na rin ako, niyaya naman ako ng pinsan kong si MJ na pumunta sa fair. Ayun, nagpunta nanaman para kumain. Nung gabi, aral nanaman para sa quiz sa pedia sa umaga. Kumain nanaman ako ng rice(take note rice din ang merienda ko). Pano naman kaya ako magbabawas ng timbang kung napakasarap kumain. yum-yum :D
Next day..
Nagquiz kami, ok naman ang score ko. Sakto lang. Maaga kaming pinalabas. Kaya ayun, picture picture muna kasama sila inah, faye, tricia, ate eli at louise. Iniwan ko na sila at umuwi ako para matulog sandali, tapos duty sa hapon. Nakakalungkot isipin na regular duty pa rin. Pinalabas naman kami ng maaga kasi mamaya na yung unveiling at concert. Nalaman din namin na kelangan naka semi formal sa mass bukas. Kelangan daw namin kasi may attendance kami for duty kinabukasan at kelangang makita kaming nakasemi formal. Edi umuwi na ako sa dorm. Nung 6:30 na bumalik na ako sa school para sa unveiling. Buti nakita ko si Gem, ang hirap kasi ng signal. Nandun ung apat ng model sa quattromondial, sila Piolo, Charlene, Fr. Rector at ang anak ng sculptor. Maraming ginawang seremonyas pero di ko naman naririnig dahil ang hina ng sound. Naiinis si Gem kasi ang dami daw palpak sa quadri celebration at bakit daw si Piolo at Charlene. Anu bang nagawa nila? Yan ang tanong ni Gem. Tapos nagpunta na kami sa spot ng wanpor. Lumipat kami ng place malapit kay benavides para makalapit sa screen. Nakasama ko nung concert sila Gem, Christine,Camille, Ritz, Gwen, Meg, Micko, Cara at Gab. napakaastig talaga ng fireworks :D


Next day...
Walang klase ng umaga kaso 7:30am, may shooting kami para sa physics project tsaka preparation for case pres. Nagpunta kami sa bahay ni Tricia para gawin ang lahat ng ito. Napagod ako ng sobra kasi naman ako pa ang ginawang bida. Ung ginawa namin kunwari 6th birthday ko tapos sa birthday party inapply mga principle ng physics. Tapos, inaayos din namin mga kelangang gawin para sa case pres. Kinonnect namin ung mga pathophy na ginawa namin. Success ang meeting dahil marami kaming nagawa. :) Edi bumalik na kami sa UST para sa attendance sa duty. 3pm ang usapan. Nagkagulo gulo kami kasi malalate na kaming lahat tapos ung iba kelangan pang umuwi para magpalit ng semi formal. pagdating namin sa espana, nagmamadali na akong bumalik ng dorm. Nagpalit ako ng damit, grabe ang bilis ko tapos balik agad ako sa building. Pagdating namin dun, naghintay kami sa prof na di naman dumating. Nasayang pagmamadali namin, sa mass na lang daw ichecheck ung attendance ng 4:30pm. Pumunta na kami sa grandstand, tapos nagmass kami. Matagal bago nagsimula ang mass. Ang problema pa, ang hina ng sound kaya di namin marinig.May nagpuntang Papal Legate at may personal na video message din ang Pope. Napakablessed talaga ng UST. Kasama ko nung mass ang 2-2, Nagpicture picture din kami. Ang saya din nung tinaas namin mga kandila namin kasi feel na feel ko ang thomasian spirit. :D Pagkatapos ng mass, umuwi na rin ako. Di na ako kumuha ng pagkain, ayoko ng makigulo. Pagkauwi ko, gawa kagad ako ng NCP for case pres tapos nalaman kong walang pasok kinabukasan. Edi natulog na lang ako kasi ang sakit ng katawan ko. Di ko na napanood ang fireworks kasi pagod na talaga ako. Nung pinanood ko sa net, mas maganda ung fireworks na to.
Today..
Eto walang pasok, walang magawa, Dapat umuwi ako sa men kaso madami akong dapat ayusin.
Nakakapagod ang Q celebration kasi ang daming kasabay ng quiz, project, case pres, at klase. Tingin ko nafeel ko ang Quadri week at feel na feel ko ang pagiging thomasian ko :D
I"M PROUD TO BE THOMASIAN. HAPPY 400 YEARS UST.