Pages

Wednesday, February 16, 2011

PRELIMS results released!!

Physics lec :'(
Ang exam na ito ay isang malaking sumpa. BAGSAK ako.
Sobra sobra ang lungkot ko :( Pero naisip ko, anung mangyayari kung malulungkot ako. Ang naisip ko, mas gagalingan ko pa. Gagawin ko ang lahat para makabangon ulit ako. May finals pa, may pag-asa pa. Naniniwala ko sa sarili ko. Babawasan ko na ang kakainternet para magkaroon ako ng mas maraming oras sa pag-aaral
Physics lab  :) ok naman. sakto lang
Pharma :| pwede na. Kahit super sabaw to, at least medyo mataas nakuha ko.
Logic- Nako, wala na talagang pagasa. dalawang araw ng di pumapasok si Sir
NI- kahit out of this world ang mga question. :) ok s ken score ko kasi mataas para sa di nagaral. hahaha
English :( as usual mababa ako. tingin ko wala na talaga akong pagasa sa english, forever na akong mababa. Since preschool, eto na pinakamababa ko pero hanggang ngayon di ko pa rin matanggap.

OB AT PEDIA- wala pang results. wait for further blogs :p

Spread the LOVE this Valentines day!!

Naging masaya ako ngayong valentines. Maraming salamat sa lahat ng bumati at nakaalala sa ken.

Maraming salamat sa mga sumusunod:

Inah-para sa GUMMI PIZZA
Faye-para sa KITKAT
Abby-para sa TOBLERONE
Ate Eli-para sa CRINKLES
at higit sa lahat sa mga roommates ko :D-para sa cake na pinagawa natin na may nakalagay na "happy valentines babe, I love you" na tayo din ang kumain. hahahaha.

kahit simple lang, naging masaya ako dahil naalala niyo ako. mahal na mahal ko kayo.
Ang valentines ay para din sa magkakaibigan. FRIENDS FOREVER :))

Nagkaroon din ng mga activities sa College namin. Kahit kakatapos lang ng prelims nmin, nagawa pa rin ng nursing na maghanda para sa araw na iyon. Dahil dito bilib na bilib ako sa mga nursing student. :D

Nakakainspire ang mga sinabi ni Francis Kong (speaker ng valentines talk) Tinuro niya ang mga salitang ito: GIVE.LOVE. LIVE. Natutunan ko din na kelangan natin abutin lahat ng gusto at pangarap natin sa buhay at pagkatapos hanapin natin ang "meaning" ng buhay natin. Kaya ako, pagnakatapos ako, magtatrabaho ako ng mabuti. Tapos, tutulungan ko ang mga bata na hindi nakakapagaral. :D Pagkatapos ng talk, merong Nursing idol kung san kasali si Julius(kaklase ko nung 1st year) at Bea(kaklase ko ngayon) Natuwa naman ako dahil nanalo si Julius ng 1st runner up. Kahit hindi champion ok lng kasi kahit anong mangyari magaling pa rin siya.


Natapos ang valentines day na may nangyaring maganda!!

Tuesday, February 8, 2011

super nakakasabaw na PEDIA!!!!!!!!!!!

sabi ko bago ako matulog gigising ako ng 5am para magaral sa Logic kasi wala pa talaga akong inaral. ang alam ko pa lang ung tinuro ni micko. ang nangyari 6am na ako nagising. habang naglalakad ako sa dapitan nagkakabisado ako ng rules. hahaha. bara barang pagrereview. Nakakalito ng super ung fallacy of relevance. Parang ewan lang e, kc naman puro none of the above sagot ko. Nagtataka nga ako pero feeling ko talaga un ang tamang sagot. hahaha. bahala na. 

Tapos mga 2.5 hours ung break bago mag Pedia. Nagaral ako sa library kasama mga kaklase ko. Grabe, ang dami nilang alam na di ko alam. hahaha. katamad kasi magbasa ng book, e dun kukunin mga question kasi application. Nung dumating na ang oras, di ko kinaya ang exam. Sabaw kung sabaw ung exam. Alam mo un, sa sobrang di mo alam, nakatitig ka na lang sa papel mo. Nung natapos ako, chineck ko pero wala din akong pinalitan kasi naman wala talaga akong alam. Kung ganito palagi, ano na mangyayari sa ken nito. :( 

Eto lang ang masasabi ko DI KAYA NG POWERS KO ANG PEDIA!!!!!! :(